Baks!The Official Blog of Baks and Manetch!
Baks!The Official Blog of Baks and Manetch!
Want to earn money?ReadClick.com Sign Up
Your email address:

Favorite Blogs Ko
Ate Sienna's Pansitan
Yakap
Site ng Company ko
Kadiring Site
Porno Sites para sa Bading
Adventures of Superpekpeks
Site ng Idol kong si Dra. Holmes
Tommy's Angels
My Sisterhood Yahoo Groups

Contact...
Tell me how much you like my blog.In tagalog..Email nyo sa kin mga bayolente nyong reaksyon sa Blog ko..

Chatroom
Chika na!

Tungkol sa Akin
Ang gumawa ng Blog na ito

Buhay ni Mayo
Mga Kwento ni May

Cooking Time
Mga Bagong Sistema ng Pagluluto

Mga Liham
Hango sa Site ni Manay Letty

Horoscopes
Ano nga ba Kapalaran mo?

This page is powered by Blogger.

| Wednesday, April 28, 2004
Cut-Outs

Post ko dito mga magagandang basahin para sa kin..cge basa ka lang malay mo maaliw ka hihiih

Para Sa Mga Girls. Try This Out. Kung Gusto Niyo Ligawan Kayo Ng Mga Lalakeng
Pinakagugusto Niyo O 'Yung Lalakeng Mahal Na Mahal Mo.
1.) Dikitan Mo Ang Lalake. Huwag Kang Aalis Sa Tabi Niya.
2.) Magbukas Ka Ng Topic Na Kung Saan Interesado Siya.
3.) Purihin Mo Like , " Ang Gwapo Mo " , O " Ang Ganda Ng Polo Mo , A ! "
4.) May Kaunting Tapik , Kaunting Lambing. Halimbawa , " Tangek ! Sira Ka Pala E ! " ,
Sabay Palo Sa Likod. Hinay Lang.
5.) Magpaganda.
6.) Sweet Talks.
7.) Be Concern.
8.) Tumahimik Ka Lang. Kunyari , Hindi Mo Siya Nakita.
9.) Huwag Mo Pansinin (Optional). Maghintay Ka. Kung Napansin Ka , Mabuti Pero Kung
Hinde , Hintayin Mo Na Lang.
10.) Magbiro.
11.) Kung Ano Ang Alam Niya , Magpaturo Ka. Kunyari , Wala Kang Alam Pero May Alam
Ka Naman Talaga. Huwag Ka Lang Mag Pa Obvious Na Nananadya Ka.
12.) Act Innocent.
13.) Palabasin Mo Na Wala Kang Gusto.
14.) Titigan Mo Then Act Innocent Na Malabo Ang Mata Mo.
15.) Kilalanin Mo Ulo Hanggang Paa.
16.) Kung Hindi Mabisa , Hanap Ng Iba.

Ano ang OPM song mo?

KUNG AKO NA LANG SANA


Kung kanta mo to para sa sarili mo nagpapakatanga
ka para sa isang tao alam mo namang hindi ka mamahalin! If I know
hoping ka na magugustuhan ka nya at akala mo kapag tinulangan
mo sya sa lovelife nya mai-inlove sya sayo! Sa totoo lang mas
gugustuhin pa nya na mamatay na lang kung sasakaling ikaw na lang ang
natitirang babae/lalake sa mundo. Kaya kung ako sayo tanggapin mo na lang ang katotohanan na lumalapit lang sya sayo kapag kailangan nya ng perang pang date nila ng gf/bf nya. Kawawa ka naman pero buti nga sayo! Masyado ka kasing ambisyosya. Leche ka!

KAHIT KAILAN
Sosi ka kapag kinantahan ka ng bf/gf ng ganito.
Tingnan mo nga naman "kahit kailan hindi kita iiwan". Ibig sabihin lang nyanginagamit ka lang nya, siguro kasi mapera ka may kotse ka or baka siguro masarap ka! Advice ko lang sayo na sanamagtipid ka dahil kapag naghirap ka iiwan ka din nan. Subukan mo lang na magpahalata na wala kang pera ewan ko lang kung magpakita pa yan
sayo! Kawawa ka din kasi ginagamit ka na nga binobola ka pa!

BAKIT NGAYON KA LANG
Pakshet! Consider it a compliment kapag kinantahan ka ng ganito! Ibig sabihin lang nyan mas maganda or gwapo ka compared sa syota nya ngayon! Kaya lang sorry ka na lang pang 1st runner-up lang ang byuti mo. Dapat tanggapin mo na lang na kulang-kulang ka pa din kaya hindi nya pwedeng iwanan yung syota nya para sayo!Hoping ka pa! Pampalubag lang yang song Na yan sayo! Wag kang feeling! Siguro maganda o gwapo ka nga pero walang kang pera!

LET ME BE THE ONE


Mega emote ka habang kinakanta mo to para sa
kanya! Syempre ayaw mo na unahan ka nya sa pakikipag break kaya ang
gagawin mo uunahan mo na lang sya para hindi naman nakakahiya sa ibang
tao.Gagawin mo to kahit ayaw mo! Gaga ka! Ang totoo nyanparanoid ka lang o
siguro pinagtripan ka lang ng mga barkada mo at sinabing ayaw na sayo
ng bf/gf mo at sa katangahan mo naniwala ka naman! Ngayon pinagtatawanan ka ng mga kaibigan mo habang nakatalikod kasi napaniwala ka nila at napatunayan
nila na isa kang tanga! Super emote ka habang sumasakit ang tyan
nila sa kakatawa.Ang planotalaga ng mga friends mo mapraning ka!

MUNTIK NA KITANG MINAHAL
Nagkita kayo ulit at sinabi nya na yan ang song
nya para sayo! Hurt ka syempre. Naisip mo na sayang naman. Pero para
sa kanya laking pasalamat nya at natauhan sya. Sobrang laki ng
utang na loob nya sa friends mo dahil sinabihan sya na isa kang taong
walang kwenta at patay gutom. Muntik na maging impyerno ang buhay
nya sayo. Lagi na syang nagsisimba ngayon dahil hindi hinayaan ni
lord na mapunta sa talamak na kapamahakan sa piling mo.

PAGDATING NG PANAHON
Leche ka umaasa ka pa na magiging kayo. Diba nga
ang sabi nya magpayaman ka muna at magpabago ng itsura bago
maging kayo! Pero don't worry sis/bro kasi handa naman sya maghintay
kahit alam nya na parang hindi na mangyayari yun. Kung ako sayo
tusukin mo na lang ng stick yung mata nya para hindi na umabot ng
pagtanda nyo bago ka nya mahalin. Wala ka ng pag-asa!


HALIK by Aegis

Isa lang ibig sabihin nyan, panalo ka sa pagiging
jologs! Iniwan ka nya dahil nalaman nya na jologs ka at nakita ka
nya na kumakanta sa videoke ng metropolis. Ayaw nya mahawa sayo at
natuklasan nya na maid ka pala ng kapitbahay nila. Nakita nya na
sinasabunutan ka ng amo mo kasi sinusuot mo yung mga damit nila.



MUNTIK NG MAABOT ANG LANGIT

Ayan tanga ka talaga, pinapaasa ka lang, nakisakay ka naman. Kung hindi ka ba naman talaga tanga. Tumingin ka nga sa salamin at itanong mo sa sarili mo kung may seseryoso pa sayo?Mangarap ka na lang sister. Kahit kailan hindi mo maabot ang langit!At pwede ba hindi ka naman kaakit akit!

BASTA'T KASAMA KITA
Feeling mo naman sincere sya sayo. Nagkataon lang
na marami kang pera kaya ka nya nasasabi yan sayo. "basta't kasama
kita lahat magagawa....." ulol! Syempre may pera ka pero sa
loob loob nyan ang kinakanta nya "basta't kasama kita, lahat
mabibili..." To make it short and simple ginagamit ka lang nya. Hindi ka
naman kagandahan o kagwapuhan kaya minsan mag-isip ka din pera mo
lang ang habol nya.Ang tingin nya sayo matrona / D.O.M. ... Hahaha!
Nakakaawa ka naman!

YOU ARE MY SONG
Kanta nya sayo. Kinilig ka naman syempre pero ang
ibig nya lang sabihin. Hindi nya din maintindihan kung bakit ka
nya minahal sa itsura mong yan. Minsan nagdadasal yan na sana
naging song ka na lang para naman medyo magandang pakinggan at nakaka in
love. Hindi ka nya pinapakilala sa mga kaibigan nya, isa lang naman
ang dahilan kinakahiya ka nya. Hindi nga boyfriend or girlfriend ang tawag nya sayo. Isa ka lang "song". Malamang mukha kang gitara o piano. Hahaha

Usapang Lalake

This is so true. No offense meant sa girls.

Sa mga girls na magbabasa, wag seryosohin.


> ------ ----------------------------
> *gabe. usapang lalake*
> *sindi ng yosi*
> *hithit*
> *buga*
> Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip.
> Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
>
> *hinga ng malalim*
> Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang
> lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging
patas
> para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
>
> *tingin sa stars*
> Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na
gumawa
> ng
> first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa
> panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag
> nabasted?
> Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga
> paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at
> magsaya.
> Tingin mo?
>
> *tingin sa malayo*
> Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten
> ang
> panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin naten
> para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun?
> Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa
> naten.
> Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa
bahay,
> tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang
na
> lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit?
> Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang
pake
> kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila
> tayo trip,
> isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo
o
> lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na
di
> man
> lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na
mahal
> natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong
> maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip,
> iiling-iling,
> at minsan, luhaan. Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi
pa
> 'ko
> ready
> eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm..
> nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna,
okay
> lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang
> kapatid
> e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa
'yon
> para
> saten.
>
> *kuha ng bote ng beer*
> *lagok*
> *lunok*
> At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon.
> Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga
> lalake
> kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo
> ang
> dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted
at
> faithful; tayo, tayo tayo.
> Sila? Ummm... Teka, isipin ko.
> Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang
> magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand
sayo
> ng
> kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka
> dapat
> mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan
sila
> di
> dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan.
Ganun
> ata
> talaga.
>
> *kuha ng bote ng beer*
> *lagok*
> *lunok*
> Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang
> magiging
> takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan
> naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya
> lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.
>
> *hinga ng malalim*
> Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila.
> Alam
> mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang.
Seryoso.
> At
> kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang
> pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak,
> iina-inarte,
> dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan.
> Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.
>
> *hinga ng malalim*
> *tingin sa malayo ulit*
> At ito pa ang pinakamasaklap.
>
> *singhot*
> Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila,
hindi
> na
> tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need
f*cking
> space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila
ang
> masusunod.
> At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten.
> Tayo
> ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak.
>
> *iiling*
> Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at
> parang
> mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship"
kuno
> matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo
sa
> pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip
kung
> papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip
kung
> saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di
na
> naman makakatulog.
>
> Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
> Ano?
> Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?
> Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga.
> Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak.
> Ang mga babae talaga, oo.

posted by annie 4/28/2004 01:25:00 AM
| Thursday, March 25, 2004
Applying Abroad

hello hello sa inyo...tagal ko ng hindi nag a update ng blog ko..masyado kasi akong busy..dami ko encoding na ginagawa then nag a apply me mag work sa abroad..Opo Dear Readers balak ko ng mag abroad..dati sinabi ko ayaw kong mag abroad pero sa hirap ng buhay at baba ng sahod dito sa pinas talagang mamatamisin mong mang abroad..Iniisip ko nga lang ano ba magiging life ko dun..magiging masaya kya ako or papalarin ba akong makaalis sa pinas..Ibat ibang agency na rin inapplyan ko sa manila..try ko luck ko na sana mahire ako..mahirap pala! madami ka dadaanang paghihirap sa pag aapply..ang daming kelangan papers..Pero sana me dumating na magandang oportunidad sa akin na makapag abroad...sana lang palarin! Tinatapos ko lang tong contract ko here sa Baguio..go abroad na akesh..hehehe!Pero kung iisipin nakakatakot din ung makipag sapalaran ka sa ibang lugar...malalayo ka pa sa pamilya mo na matagal mo ng nakasama d ba?mag titiis ka ng lungkot dun..pero kakayanin ko lahat yan..gusto ko lang makabuo ng mga pangarap..makaipon ba..yun lang naman reason bakit umaalis ang mga pinoy sa pinas eh..hayyy..wish me luck na lang po!

posted by annie 3/25/2004 06:43:00 AM
| Sunday, September 07, 2003
Coffee
hello mga dear readers kung meron mang nagbabasa dto sa blog ko..heheheh..tagal na ko bago nakapag update june pa ung last kong post anong bwan na ngayon september na at magpapasko..Habang gawa ko itong blog ko me isang tasa ng Kape sa mesa ko...na adik na yata ako sa kape...3 times a day me uminom nito..parang feeling ko mas masarap lasa ng kape kesa sa tubig..hehehe! kaya itsura ko mukha akong dehydrated..pinagbawalan na nga ako ng nanay ko na bawas bawasan ko pag inom ng kape..pati nga Boyfriend ko nagagalit na sa akin kaya hindi daw ako tumataba..Eh ano bang magagawa ko..nasarapan na ko sa lasa ng kape...lalo na pag mainit, kahit magkandapaso paso ang taste buds ko cge lang ang higop.Masarap pa sa kape pag me kasamang tinapay oh di ba mega sawsaw mo sya...Dto lang naman ako sa baguio nagkakape dahil sa lamig dun naman sa min puro ako tubig hehehehe! kaya sa mga hindi nagkakape dyan..ano pa hinihintay nyo, wag kayong magkapeeeeeeeeeeee!! hahahaha!

posted by annie 9/07/2003 07:00:00 AM



home
Get a GoStats hit counter